ni Jose P. Rizal
" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y
natatamo ng mga may puso lamang." - Gurong Pari (kab. 8)
"May mga
lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- ang hinaharap ay mabubuksan
pa lamang para sa iyo, sa akin ay ipipinid na;... ang dugo ng kabataan
na kumukulo sa iyong mga ugat ay sing-init ng araw, sa akin nama'y halos
sinlamig ng hukay." -Don Rafael (kab. 7)
"Ginto ang sinadya ng
mga banyaga sa iyong bayan kaya't ikaw ay pumunta rin sa kanilang bayan
upang tumuklas din ng ginto. GAyon man, unawain mong hindi lahat ng
kumikinang ay ginto." - Gurong Pari (Kab. 8)
"Sadyang kailangan
tayong kalabanin at gisingin upang malantad ang ating mga kasamaan at
kahinaan, sa ganito'y lalo tayong mapapabuti." - Matandang Pari (Kab. 9)
"Dapat
bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa kaysa kung patay
na." Pilosopo Tasyo (Kab. 14)
"Walang mapapala ang anak ng mga
magbubukid sa paaralan, kung bumabasa, sumusulat at nagsasaulo sila ng
mga bagay sa wikang Kastila na hindi naman nila nauunawaan." - Guro (kab.
19)
"Ang bayan po'y di dumaraing dahil siya'y pipi, di tumitinang
dahil natutulog. Subali't darating ang panahong malalantad ito sa inyo
atmapapakinggan ang kanyang mga panaghoy. Pagsapit ng araw na ito,...
sasambulat sa lahat ng dako ang mga naipongluha; himutok at
buntong-hiningang matagal na panahong kinimkim sa puso ng bayan." -
Pilosopo Tasyo (kab. 25)
"Tingnan mo ang mahinang tangkay na
iyan. Siya'y yumuyuko kapag umiihip ang hangin na parang ikinakanlong
ang sarili. Sapagkat kung siya'y magpapakatigas sa tayo, mababakli siya
at malalagas ang kanyang mga talulot. Kaya pararaanin niya ang hangin
sika siya muling tutuwid na taglay ang kanyang mga talulot. " - Pilosopo
Tasyo (Kab. 25)
"Lahat po tayo ay may kalaban, mula sa
pinakamaliit na kulisap hanggang sa taong may muwang, mula sa
pinakahamak hanggang sa pinakamariwasa at pinkamakapangyarihan. Ang
pakikipaglaban ay siyang batas ng buhay. " - Elias (lab. 33)
"Mahal
ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking
kaligayahan." - Ibarra (kab. 49)
"Tunay pong hindi ako maaaring
umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong magtiis at
mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay maging kasawian
ko rin." - Elias (kab. 61)
"Ako'y mamamatay na hindi man lamang
nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking bayan. Kayong
makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa
dilim ng gabi." - Elias (kab. 63)
Ito ay isang website na hatid sainyo ng mga sumusunod:
ng III-St. Alphonsus ng Malate Catholic School.
Para sa karagdagang katanungan, maaring magpadala ng e-mail sa jayyarr.shirousa@yahoo.com
Maraming salamat sa pagbisita sa pahinang ito at tamasahin ninyopng mabuti ang inyong pamamalagi.
© 2009-2010